Pinoy Jokes

Monday, July 30, 2007

Anak

Konting patawa lang to make you smile.

Subject: sa may mga anak o ibang anak na inaalagaan

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo,pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboynaibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo naNOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun.
Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo saMALL OF ASIA,anak malayo ba yun? mag ingat ka sapagbibiyahe mo, isasanla palang namin ang palayan natinpara mabili mo na yung instrumentong I-POD nakinakailangan mo sa laboratory nyo.
Anak komportable kaba dyan sa boarding house mo san bakamu yan sa VICTORIA COURT ??? - maganda ba dyan? Di bamainit dyan?Anak kamusta na pala yung group project na pinagpupuyatannyong SANMIG LIGHT? Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuhanyo na grado dun?
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari ariannatin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL? ?? Sana pag gradweyt mo makakuhaka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya paramabawi natin ang mga ari arian nating nasasanglaan.Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALDka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan?Baka hindi masarap kawawa ka naman.Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala kosayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo saVACANT SUBJECT mo.Ang nagmamahalItang at InangP.S. Anak mag aral ka ng mabuti.
submitted by edith cariaga

Friday, July 27, 2007

Kung Pinoy si Noah....

...Ganito ang mangyayari sa barko.
Read along...
Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah.
Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang "specs" ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? "Tumugon si Noah,"Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng hueteng Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo. Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state . Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko
raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto". Ang huling wika ni Noah.
Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."
Submitted by Oley Romero

Saturday, July 14, 2007

Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin kung may basketbol sa langit.Naunang namatay si Dado.Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.'Ikaw ba 'yan, Dado?' usisa ni Rodel.'Oo naman!' tugon ni Dado.'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodel. 'O, ano, meron bang basketbol sa langit?'Sagot ni Dado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo. Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!'

Different prayers of single women...
At Age 15: Lord, give me SuperMAN.
At Age 18: Lord, give me a cute MAN.
At Age 20: Lord, give me the best MAN.
At Age 30: Lord, give me a good MAN.
At Age 40: Lord, give me a MAN.
At Age 50: Lord, give me sinoMAN.
At Age 60: Lord, maawa ka naMAN.
At Age 70: Lord, kaya ko pa naMAN.

Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa 'yo!

Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!

Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: 'Yung tagaayos ng radio sa car!

Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang kanyang misis na may katalik na lalaki sa kama .
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino 'yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!

Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins!

Submitted by Ric Tan